dzme1530.ph

DOT, gumastos ng P49-M sa bagong tourism campaign

Gumastos ang Department of Tourism (DOT) ng aabot sa P49-M para sa development ng pinakabagong tourism campaign na “Love the Philippines”.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ginamit ang naturang budget para sa paggawa ng logo; pagsasagawa ng global, regional at local studies para sa kampanya.

Matatandaang neto lamang June 27 nang ipakita ng DOT ang bago nitong promotional video kung saan tampok ang iba’t ibang tourist destination ng bansa.

Ipinagmalaki ni Frasco na ang bagong tourism campaign ng ahensya ay nagsisilbing “love letter” ng Pilipinas sa buong mundo na nagpapakita ng buong larawan ng haba at lawak ng kwentong Pilipino. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author