dzme1530.ph

Droga, malayang nakakapasok sa bansa sa pamamagitan ng “Shabuyas”!

Pinangalanan ni suspended Negros Oriental 3rd Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa kanyang Facebook ang umano’y nasa likod ng tinawag nitong “Shabuyas”.

Ayon kay Cong. Teves, isang bebot Nolan, na nakasalo pa ng Pangulong Ferdinand Marcos sa isang presidential dinner kamakailan ang di umano’y nasa likod ng pagpapasok ng shabu sa bansa sa pamamagitan ng pagsabay ng mga ito sa kargamentong sibuyas.

Paliwanag ni Teves, inihahalo ang mga shabu sa tone-toneladang sibuyas kung kaya hindi ito naaamoy ng K-9 dogs dahil sa matapang na amoy ng sibuyas.

Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ni Cong. Arnie Teves kay Pangulong Ferdinand Marcos na bigyang-pansin ang kanyang mga rebelasyon lalo’t kredibilidad laban kontra droga aniya ng pamahalaan ang nakataya rito.

Nakakuha naman ng suporta ang kongresista sa mga kababayan nito sa Negros, sa kabila ng mga umano’y trial by publicity na ginagawa nina DOJ Sec. Jesus Boying Remulla at DILG Sec. Benhur Abalos. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author