dzme1530.ph

Pilipinas, may sapat na suplay ng bigas sa pagpasok ng bansa sa ikatlong quarter

Tiniyak ng Department of Agriculture na sapat ang supply ng bigas sa bansa upang matustusan ang pangangailangan sa pagkain ng mga Pilipino sa pagpasok ng bansa sa ikatlong quarter ng taon.

Ayon kay Usec. Leo sebastian, tagapangasiwa ng Masagana Rice Industry Program (MRIP) ng D.A., ang magandang ani nitong January to June planting season ay inaasahang magreresulta ng 6% pagtaas sa produksyon.

Sa datos mula sa PhilRice Prism, inihayag ni Sebastian na tinatayang aabot ang palay production sa 8.605 million metric tons ngayong 2023, katumbas ng 5.6 million metric tons ng milled rice.

Ipinaliwanag din ng D.A. official na ang kasalukuyang pabago-bago ng presyo ng bigas ay maiuugnay sa mataas na local at global production costs na nakaaapekto sa presyo ng domestically grown palay at imported rice. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author