Balik na sa kontrol ng Ukraine mula sa Russian Forces ang Southeastern Village na Rivnopil.
Ang naturang village, na batay sa paglalarawan isang Military Spokesperson ay “deserted” at “heavily damaged,” ang ika-9 na nabawi ng Ukraine ngayong buwan.
Wala na umanong mga sibilyan sa village na halos sirang-sira at bakas na bakas ang naging kabi-kabilang pagpapasabog.
Pebrero ng nakaraang taon nang ilunsad ng Russia ang full-scale invasion nito sa Ukraine, at hanggang ngayon ay hawak pa rin nito ang ilang teritoryo sa silangan at katimugang bahagi ng bansa. —sa panulat ni Lea Soriano