dzme1530.ph

Janella Salvador, inaming mahirap ang pagiging single mom

Inamin ng aktres na si Janella Salvador na nahihirapan siya sa pagiging single mom.

Para kay Janella na bina-balanse ang kanyang oras sa pagitan ng pag-arte at pag-a-alaga sa anak na si Jude, aminado ang aktres na hindi ito madali, lalo na’t marami siyang naka-line up na projects ngayong taon.

Sa kabila naman nito ay tiniyak ni Janella na kinakaya naman niya at masaya siya sa kanyang ginagawa.

Kabilang umano sa mga proyektong gagawin ng aktres ay ang pagsasama nilang muli ni Joshua Garcia sa isang series na kukunan sa London.

Noong nakaraang taon ay magkasama silang dalawa sa fantasy series na “Darna” makaraang bumida sa 2019 Murder Mystery Drama na “The Killer Bride.” —sa panulat ni Lea Soriano 

About The Author