dzme1530.ph

Tensyon sa Malabon City Jail, napahupa ng Vice Mayor ng lungsod

Mahinahon na ang mga Persons Deprive of Liberty sa Malabon City Jail matapos ang pakikipagusap ni Vice Mayor Ninong Dela Cruz sa mga ito kagabi.

Bago ito, nagkakulo ang mga PDLs at naglabasan sa kanilang selda para iprotesta ang dalawang kasamahan nila na matatranfer sa ibang piitan.

Pinagbabasag ang mga salamin, lumikha ng noise barrage at sumigaw ng pang-aabuso partikular sa warden ng Malabon City Jail at mga tauhan nito.

Kinilala ang dalawang matatransfer na sina Anthony Francisco at Danilo Francisco na pawang mga mayor sa piitan na ililipat sa Bicutan Jail.

Nagpajollibee naman ang isang barangay captain na ibinigay sa mga PDLs kaya lalong napahupa ang tension. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author