dzme1530.ph

Reservists at CAFGU, malaki ang tulong sa territorial defense ng bansa

Tinalakay sa pulong nila Philippine Army Chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr. at Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant General Fernyl Buca, ang tulong ng reservists at Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) active auxiliary sa territorial defense.

Bahagi ito ng pagkakaroon ng isang “jointly engaged and readiness-trained force” para sa territorial defense operations ng NOLCOM, na tinaguriang “Defenders of the North”.

Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, ipinarating din ni Lt. Gen. Buca kay Lt. Gen. Brawner ang mga “concern” at tulong ng Philippine Army units sa ilalim ng kanyang command.

Ang mga reservist at CAFGU ay ang first line of defense laban sa mga banta sa hilagang bahagi ng bansa.

Nagpasalamat naman si Lt. Gen. Brawner sa lahat ng nagawa ni Lt. Gen. Buca para mapahusay ang mga operasyon ng NOLCOM. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author