dzme1530.ph

Hungary, nangangailangan ng mahigit 3,000 Filipino skilled workers 

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na may mahigit 3,000 available na job openings para sa mga Filipino skilled workers sa bansang Hungary.

Ang mga job order na ito ay nangangailangan ng mga factory worker na maaaring kumita ng buwanang suweldo na hindi bababa sa P50,000.

Gayunpaman, maaaring mayroon ding iba pang mga uri ng bihasang manggagawa na kailangan ng Hungary.

Binalaan din ng DMW ang mga naghahanap ng trabaho na maging maingat sa illegal recruitment, lalo na ang mga nag-a-advertise sa social media.

Hinikayat ng ahensiya ang mga aplikante na kumonsulta sa opisyal na website ng DMW para sa listahan ng mga lehitimong recruitment agencies.

Sa pangkalahatan, ang demand ng trabaho para sa mga Filipino skilled worker sa Hungary ay nagbibigay ng magandang pagkakataon na makapag trabaho sa ibang bansa. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author