dzme1530.ph

Herlene Budol, nag-sorry sa naging paraan niya ng pagsagot sa Miss Grand Philippines 2023 interview

Nag-sorry si Herlene Budol sa paraan ng kanyang pagsagot sa Miss Grand Philippines 2023 sashing ceremony at press conference.

Matinding bash ang inabot ni Herlene mula sa mga netizen na hindi nagustuhan ang kanyang “pagpapakatotoo” sa presscon.

Sa kanyang Facebook post, inamin ng beauty queen na sa sobrang kaba niya ay hindi niya naintindihan ang tanong kaya hindi niya naipaliwanag nang maayos ang kanyang sagot.

Iginiit din ni Herlene na hindi niya nilaro ang kanyang sagot, taliwas sa akusasyong “dinogshow” niya ang question and answer portion ng press presentation.

Nangako naman si Herlene na pagbubutihin pa niya ang paghahanda para sa mga susunod na challenge ng Miss Grand Philippines, gaya ng pagsasanay muli sa tamang pananalita. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author