dzme1530.ph

BOC, nakakolekta ng karagdagang P748-M mula sa post-clearance audits

Nakakolekta ang Bureau of Customs (BOC) ng P746.4-M mula sa post-audit clearances sa pagitan ng February 13 hanggang May 12 ngayong taon, na mas mataas ng 49% kumpara sa kaparehong panahon noong 2022.

Sa accomplishment report ng BOC, nakasaad na ang post-clearance audit group ang responsable sa pagsasagawa ng audit examinations, inspections, verifications, at investigations ng import records upang matiyak ang accuracy ng goods na idineklara ng importers.

Simula Enero hanggang katapusan ng Mayo ay nakakolekta na ang BOC ng P359.175-B, na lagpas ng 3.82% sa kanilang target para sa naturang panahon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author