dzme1530.ph

Kampo ng NBI detainee na si Jad Dera, itinangging bagman ito ni Suspended Cong. Arnie Teves

Masama umano ang pakiramdam ng NBI Detainee na si Jad Dera, ayon kay Atty. Raymond Palad, kaya lumabas ng pasilidad ang kanyang kliyente na may kasamang “official escorts” at sumakay sa isang “marked vehicle.”

Sinabi ni Palad na lumabas ang mga ito bandang alas-8 ng gabi para maghanap ng doktor at bumalik ng pasado alas-12 ng hatinggabi.

Samantala, itinanggi rin ni Palad ang alegasyon na si Dera ay bagman umano ni Suspended Cong. Arnolfo Teves Jr. na itinuturong isa sa masterminds sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Inihayag naman ni Justice Spokesperson Mico Clavano na walang ganitong impormasyon ang ahensya. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author