dzme1530.ph

Filipino Swifties, nalungkot nang hindi isama ni Taylor Swift ang Pilipinas sa kanyang “The Eras” Tour

Nalungkot ang Filipino fans ng singer-songwriter na si Taylor Swift nang hindi makasama ang Pilipinas sa venues para sa kanyang “The Eras” Tour.

Sa kanyang official media platforms, inanunsyo ni Taylor ang additional dates at legs ng kanyang tour, kung saan tanging Japan at Singapore lamang ang nakasamang Asian countries, at gaganapin ito sa Pebrero at Marso sa susunod na taon.

Kabilang sa mga Pinoy Swifties na nadismaya sa anunsyo ang host-actress na si Maine Mendoza, bagaman hopeful pa rin na bibisita sa bansa ang idolo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author