dzme1530.ph

‘It’s Showtime,’ nag-ober da bakod sa GTV

Lilipat na sa GTV ng GMA ang “It’s Showtime” mula sa TV5.

Ito ang malinaw na ganap makaraang i-post ng GTV sa Facebook ang teaser poster ng show kasama ang litrato ng mga host nito, kabilang sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Kim Chiu, Jhong Hilario, at iba pa.

Sa caption, nakasaad ang “G na G na! Abangan iyan!”

Ang GTV ay isang free-to-air television network na pag-aari ng GMA.

Samantala, sa statement ng ABS-CBN, nakasaad na hindi na mapapanood ang “It’s Showtime” sa TV5 sa simula sa July 1, at sa halip ay ipalalabas na ito sa GTV sa dati pa ring oras na alas dose ng tanghali, Lunes hanggang Sabado.

Ito’y matapos tanggihan ng content creator ang alok ng TV5 na ilipat ang show ng 4:30 ng hapon.

Una nang naging maugong ang paglipat ng TVJ at original Dabarkads sa Kapatid network para sa kanilang noontime show matapos lisanin ng grupo ni Tito, Vic, and Joey ang Tape Inc. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author