dzme1530.ph

Kris Aquino, sinabing walang consent niya ang pagsasapubliko ni Mark Leviste tungkol sa kanilang relasyon

Walang consent mula kay Kris Aquino ang pagsasapubliko ni Batangas Vice Governor Mark Leviste tungkol sa kanilang gumagandang relasyon.

Hindi man pinangalanan ni Kris ay malinaw na si Mark ang pinatatamaan niya sa kanyang Instagram post, matapos ibida ng bise gobernador ang kanilang “Happy and full of love relationship.”

Paglilinaw ng Actress-TV host, nag-a-adjust pa lang sila sa isa’t isa at hindi rin maiiwasan na magkaroon sila ng “unavoidable conflicts.”

Umaasa rin naman si Kris na maayos pa nila ni Mark ang kanilang “differences,” subalit na-realize niya ang kanyang “Lack of Wisdom” sa pagpasok sa panibagong relasyon habang sumasailalim sa gamutan para sa kanyang Auto-Immune Diseases. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author