dzme1530.ph

Parcel na naglalaman ng Tarantulas palabas ng bansa naharang ng BOC-NAIA

Naharang ng mga operatiba ng BOC-NAIA ang isang parcel na naglalaman ng 4 na Tarantulas na walang mga kaukulang permit mula sa DENR sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Ayon sa Customs ang outbound parcel ay ipinadala ng isang sender mula sa Caloocan City sa isang recipient sa Seoul, Korea sa pamamagitan ng Express Mail Service ng Philippine Postal Corporation (Phlpost).

Nadiskobre ang ang laman ng parcel na idineklarang snacks Sweet Salted Fish, sa pamamagitan X-Ray screening ng mga operatiba ng X-Ray Inspection Project (XIP).

Agad sinuri ang laman ng package sa pakikipag-ugnayan sa mga operatiba mula sa Enforcement and Security Service – Environmental Protection and Compliance Division (ESS-EPCD) at (DENR) sa NAIA.

Lahat ng Tarantula ay agad na itinurn-over sa DENR para sa tamang pag-iingat nito at gagawing imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa nagpadala, sa Kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) may kaugnayan sa RA 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author