DZME1530

8K litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG sa nagpapatuloy na oil spill recovery operation

Umabot na sa 8,000 litro ng oily water mixture ang nakolekta ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpapatuloy ng kanilang isinagawang oil spill clean-up sa mga lugar na naapektohan ng pagtagas ng industrial oil mula sa lumubog na MT Princess Empress nitong Pebrero.

Bukod dito, hanggang kahapon ay humigit kumulang isangdaang sako na ng oil-contaminated debris ang naipon ng PCG sa kanilang isinasagawang offshore response operations na nagsimula pa noong Marso a-1.

Katuwang ang LGU, mga residente, iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga maritime stakeholders, nakaipon na ang mga ito nang nasa 3,000 sako ng mga oily wastes.

About The Author