dzme1530.ph

8 patay matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa California

Patay ang walong indibidwal habang pito ang nawawala matapos tumaob ang dalawang bangka sa San Diego, California.

Ayon kay US Coast Guard Petty Officer Richard Bram, agad nagsagawa ng search and recovery ang San Diego Emergency Crews matapos makatanggap ng tawag mula sa isang fishing boat sa Black Beach.

Nahirapan din aniya ang mga otoridad sa paghahanap ng katawan ng mga nasabing indibidwal dahil sa makapal na hamog sa lugar.

Naniniwala naman si San Diego Fire-Rescue Lifeguard Division Chief James Gartland na sangkot sa human smuggling ang mga naturang bangka.

Samantala, patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

About The Author