dzme1530.ph

Mga na-rescue na Chinese national ng PGC, fugitive pala

Nasa kustodiya pa rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga na-rescue nitong 7 Chinese nationals sa Eastern Samar nuong January 27 matapos mapag-alamang pinaghahanap pala ito ng batas sa bansang China.

Sa panayam ng DZME 1530, sinabi ni Admiral Armand Balilo, mahigpit nilang binabantayan ang mga Chinese national na kasalukuyan pa ring nasa kanilang barko.

Ayon kay Balilo, agad nila itong pinaalam sa Bureau of Immigration (BI) at hinihintay na lamang nila ang deportation order ng Chinese nationals.

Samantala, sinabi ni Balilo na nakausap nila ang may-ari ng MT Princess at may nakaugnayan na ito para solusyunan ang oil spill.

About The Author