dzme1530.ph

7 areas across PH to have ‘dangerous’ heat index on Wednesday — PAGASA

Asahan na ang mas mainit pang panahon sa ilang lugar sa bansa ngayong Holy Wednesday, March 27.

Ito ang babala ng PAGASA sa mga Pilipino dahil inaasahang maranasan ang dangerous heat index sa pitong lugar sa bansa, kabilang ang San Jose, Occidental Mindoro; Masbate City, Masbate; CBSUA-Pili, Camarines Sur; Roxas City, Capiz; Mambusao, Capiz; Iloilo City, Iloilo at Cotabato City sa Maguindanao.

Ikinokonsiderang ‘dangerous’ ng PAGASA ang heat index na maglalaro sa 42°C hanggang 51°C.

Payo ng pagasa sa mga ba-biyahe ngayong Holy Week rush, magbaon ng inuming tubig at bawasan ang exposure sa init gayung ang peak temperature ay maaaring mangyari sa tanghali.

About The Author