dzme1530.ph

64K laptops at TV, naipamahagi ng DepEd sa 16 rehiyon sa bansa

Loading

Umabot na sa 64,000 laptops at Smart TV’s ang naipamahagi ng Department of Education sa labing anim na rehiyon sa bansa.

Ito’y bahagi ng pagpursigi ng DepEd na maisakatuparan ang minimithi na digitalisasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa lahat ng paaralan sa Pilipinas.

Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, aabot sa mahigit isang bilyong piso na ang naipamahaging tulong sa mga eskwelahan sa ilang rehiyon sa bansa.

Ito’y sa kabila ng malaking halagang itinapyas ng Kongreso sa Kagawaran ng Edukasyon para sa taong ito.

Kamakailan, binisita ni Angara ang Jose Gonzales Elementary School sa Benguet bilang bahagi ng kanilang Last Mile Schools Program.

Dito namahagi ng mga tablet ang kagawaran para sa mga mag aaral, habang laptop naman para sa mga gurong gumagawa ng mano-manong learning materials.

About The Author