dzme1530.ph

6 na lugar sa bansa, posibleng makaranas ng dangerous heat index ngayong Biyernes

Anim na lugar sa bansa ang makararanas ng mapanganib na heat index ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Inaasahang papalo sa 42°C hanggang 44°C ang heat index sa Dagupan City sa Pangasinan; Bacnotan sa La Union; Puerto Princesa City sa Palawan; Aborlan sa Palawan; Catarman sa Northern Samar; at sa Cotabato City.

Pinakamababa naman ang mararanasang heat index sa Baguio City sa Benguet, at Benguet State University sa La Trinidad, na tinatayang aabot lamang sa 25°C.

Una nang inanunsyo ng pagasa na posibleng maranasan ang peak ng heat index sa bansa ngayong buwan ng Abril at sa Mayo.

About The Author