dzme1530.ph

56 pang mga Pilipino, nakaalis na sa Gaza

Nakaalis na sa Gaza ang limampu’t anim pang Pilipino sa harap ng nagpapatuloy na digmaan ng Israel at Hamas.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ito ay karagdagan sa apatnapu’t dalawang Pinoy na nauna nang nakatawid sa Rafah Border Crossing sa Egypt.

Kaugnay dito, umakyat na sa kabuuang siyamnapu’t walo ang bilang ng mga Pinoy na ligtas na nakalikas mula sa Gaza.

Una nang tiniyak ng Pangulo na mabibigyan ng kaukulang tulong ang mga Pinoy na uuwi mula Gaza kahit na sila ay hindi Overseas Filipino Workers (OFWs) at karamihan ay mga Pinay na naka-pangasawa ng Palestinians.

Sa ngayon ay mayroon pang mahigit tatlumpung Pinoy ang nananatili sa Gaza.

—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author