dzme1530.ph

56 OFWs na nasa death row ng Malaysia, posible pang maisalba

Tila nabunutan ng tinik si Overseas Workers Welfare Affairs (OWWA) Chairman Rep. Ron Salo nang manalo sa botohan sa Malaysian government na tapusin na ang mandatory death penalty.

Nabuhayan ng loob si Salo na masagip ang 56 OFWs na nasa death row ng nasabing bansa.

Ayon kay Salo, isa itong makataong pagsulong ng pamahalaan ng Malaysia at magbibigay ng benepisyo sa mga Pinoy na nasa death row ng kanilang bansa.

Matatandaang sinabi ng OWWA na 56 sa 83 OFWs ang nasentensyahan ng kamatayan sa iba’t ibang kasong kriminal sa Malaysia. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author