dzme1530.ph

Willie Revillame, walang kontrata sa ALLTV

Wala naman umanong written contract sa ALLTV channel 2 ang veteran host na si Willie Revillame kaya hindi nito kailangang mag-resign sa network.

Ayon sa kanyang statement, gusto niyang i-produce ng live ang kanyang show pero wala ito sa immediate plans ng network lalo na’t prayoridad nila ang mga blocktimer dahil pinalalakas pa nila ang kanilang signal.

Ang original offer aniya sa kanya ay free airtime basta siya lang ang producer ng show pero tinanggihan ito ni Willie.

Samantala, buwelta naman ni Manay Lolit Solis sa resignation ni Willie, “Pag artista ka, dapat may reality check ka!”

Ani Manay, “Pag hindi na natatawa yung mga tao sa jokes mo, ibig sabihin non wala ka na, laos ka na, hindi yung ipipilit mo pa!” —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author