dzme1530.ph

5 nangungunang trabaho sa Pilipinas na may pinakamataas na daily basic pay, tinukoy ng PSA

Tinukoy ng Philippine Statistics Authority (PSA), batay sa resulta ng kanilang Labor Force Survey (LFS) ang mga nangungunang trabaho na may pinakamataas na daily basic pay sa bansa.

Sa October 2024 LFS, ang Armed Forces occupation ang tumanggap ng highest average daily wage na ₱1,301 na itinaas mula ₱1,173 per day noong Oct. 2023.

Pangalawa ang professionals, gaya ng mga nasa iba’t ibang larangan ng sciences, legal and social services, arts, at iba pa, na may arawang suweldo na ₱1,168.

Sumunod ang managers na may ₱1,109 per day; technicians and associate professionals, ₱826 per day; at clerical support workers, na mayroong basic pay na ₱740.  —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author