Posibleng ikonsidera ng Monetary Board na dagdagan ang slots para sa bagong digital banking licenses depende sa market demand at value propositions ng mga aplikante.
Ito, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Chuchi Fonacier, sa kabila ng plano ng central bank na mag-stick sa kanilang plano na buksan ang aplikasyon sa apat na bagong digital banking licenses sa Jan. 1, 2025.
Aalisin ng BSP ang moratorium na ipinatupad sa pagbibigay ng digital banking licenses sa Jan. 1, subalit hanggang sampung digital banks lamang ang papayagang mag-operate sa bansa.
Sa kasalukuyan ay anim na digital banks ang kasalukuyang nag-o-operate sa Pilipinas, na kinabibilangan ng Maya Bank, Overseas Filipino Bank (OF Bank), Tonik Digital Bank, UNO Digital Bank, Union Digital Bank, AT GoTyme Bank. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera