dzme1530.ph

5 miyembro ng Laglag Barya Gang, naaresto ng pulisya

Arestado ang limang suspek na dumukot sa wallet at cellphone ng dalawang biktima habang nakasakay sa isang pampasaherong sasakyan na patungong Buendia sa Pasay City.

Kinilala ni MPD District Director PBGEN André Dizon ang limang suspek na sina Harold Royola y Bueta, 37-anyos, miyembro ng Sputnik Gang;  Ian Manalang y Gonzales, 38-anyos; Pepito Jr. Villanueva y Sayno, 50-years old; Ireneo Gonzales y Paran, 48-anyos, miyembro ng Sputnik Gang; at Renan Encarnacion y Lingon, 36-years old.

Ang limang salarin ay pawang residente ng Nagcarlan, Laguna.

Sa report ng Manila Police District Station 9, ang mga biktimang sina Ronnel Bajao y Buma-At, 37-anyos ng Brgy. Madua Norte, Duero, Bohol; at Marvin Rosales y Isidro, 45 -years old, ng Molino-4, Bacoor City, Cavite, ay nakasakay sa isang pampasaherong sasakyan patungong Buendia, Pasay city kahapon.

Isa sa mga suspek ang nag-abot ng pamasahe sa isa sa mga biktima at sinadyang ilaglag ang coins.

Nang daramputin na ito ng isa sa biktima ang hinulog o nahulog na barya dito na sinamantala at dinukot ng mga suspek ang wallet at cellphone ng biktima na nakalagay sa kanilang mga bulsa.

Agad na humingi ng tulong sa nagdaraang MPD Bike Patrol Unit ang mga biktima na nagresulta sa pagkadakip ng mga suspek na nahaharap sa kasong Theft sa piskalya ng Maynila.

About The Author