![]()
Ginugol ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang 69th birthday kahapon, sa trabaho, pakikipagpulong sa world leaders, at pagsusulong ng Philippine economic and infrastructure interests, sa pagdalo niya sa 18th BRICS Summit sa India.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na puno ang schedule ng Pangulo, kabilang ang BRICS open session at bilateral meeting kasama si Indian Prime Minister Narendra Modi.
Nasa New Delhi si Marcos bilang chair ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ngayong 2026 at bilang outreach country na inimbitahang lumahok sa BRICS Summit.
Idinagdag ni Gomez na ipinrisinta ng Pangulo ang priorities ng ASEAN sa BRICS open session habang ipinagpapatuloy ang mga hakbang ng Pilipinas para lumalim pa ang ugnayan ng Pilipinas sa India at sa iba pang major economies.
