dzme1530.ph

44 patay sa magkahiwalay na pag-atake sa Northern Burkina Faso

Pumalo na sa 44 ang napaulat na nasawi sa dalawang magkahiwalay na pag-atake sa Northern Burkina Faso.

Ayon sa nakaligtas na biktima, sinalakay ang kanilang lugar ng malaking bilang ng mga terorista at buong gabi aniya silang nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril.

Inilarawan naman ni Governor Rodolphe Sorgho, bilang “despicable and barbaic” ang ginawang panggugulo ng hindi pinangalanang terrorist group sa lugar.

Kasunod nito, nagpaabot ng pakikiramay si Sorgho sa mga naiwang pamilya ng mga biktima at hiniling nito ang mabilis na paggaling at pag-recover ng mga sugatan sa insidente.

About The Author