dzme1530.ph

408 pasaway na vape retailers nationwide, sinalakay ng BIR

Sinalakay ng Bureau of Internal Revenue ang 408 pasaway na vape retailers sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon sa BIR, karamihan sa violations ng illicit vape retailers ay ang kawalan ng internal revenue stamps at BIR registration ng vape products.

Ang mga sinalakay na vape stores ay nasa Bulacan, Maynila, Quezon City, San Juan, Makati, Pasay, Las Piñas, Pangasinan, Ilocos Sur, Benguet, Isabela, Laguna, La Union, Albay, Iloilo, Cebu, Bohol, Leyte, Bukidnon, Misamis Oriental, Surigao Del Norte, Butuan, Agusan Del Sur, South Cotabato, Davao, Negros Occidental, at Negros Oriental.

Kaugnay dito, ipinag-utos na ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang lingguhang surveillance at pag-raid ng illicit vape retailers.

Iginiit ni Lumagui na walang magiging vape smuggler kung walang mga pasaway na vape retailer at reseller. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author