dzme1530.ph

4 patay at 11 sugatan sa magkakahiwalay na karahasan kaugnay ng BSKE

Apat ang nasawi habang labing-isa ang nasugatan sa magkakahiwalay na insidente ng karahasan na may kaugnayan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Dead on the spot ang dalawa katao habang apat na iba pa ang nasugatan nang pagbabarilin habang papasok sa Bugawas Elementary School sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte, kahapon ng umaga.

Sa butig, Lanao Del Sur, isang kumakandidatong Kapitan ang nasawi matapos barilin ng sariling kapatid dahil kinalaban ang hipag nito sa halalan.

Isa rin ang patay sa pamamaril sa Pandag, Maguindanao Del Sur habang pito naman ang nasugatan sa Tuburan, Basilan.

—Ulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author