dzme1530.ph

DATING SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, ITINANGGI ANG PARATANG NI OMBUDSMAN REMULLA SA RECANTATION NG 4-EX MARINES

Loading

Itinanggi ni former Speaker Martin Romualdez ang paratang ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na siya ang nasa likod ng recantations ng apat na former Marines.
 
Sinabi ni Romualdez na sa pahayag na ito ni Remulla, kitang-kita ang pagiging bias at kung paano siya hinusgahan.
 
Aniya, ang pagbawi sa naunang testimonya ay patunay sa kanyang sinasabi na gawa-gawa lamang ang mga paratang laban sa kanya.
 
Sinabi pa ni Romualdez na hindi ganito ang patas na paghahanap ng katotohanan.
 
Sa kabila nito, nanindigan ang Leyte solon na hindi siya natitinag, at kanyang haharapin ang lahat ng iaakusa sa kanya.
 
Kanya umanong ipagtatanggol ang sarili gamit ang katotohanan, ebidensya, at pawang katotohanan.

About The Author