dzme1530.ph

MALAKING ROLLBACK SA PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, ASAHAN SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Asahan ang mas malaking rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
 
Batay sa estimates ni Jetti Petroleum president Leo Bellas, posibleng mabawasan ang presyo ng diesel at gasolina ng mula 4.50 pesos hanggang limang piso kada litro, epektibo sa August 11.
 
Sa gitna ito ng lumalaking pag-asa sa diplomatic talks sa pagitan ng Estados Unidos at Iran upang masolusyunan ang tensyon sa Middle East.
 
Ibinatay ang pagtaya sa unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore at foreign exchange movements.

About The Author