dzme1530.ph

35 patay sa pagguho ng isang templo sa India

Pumalo na sa 35 ang bilang ng mga nasawi habang isa ang nawawala matapos ang pagguho ng isang Hindu temple sa India.

Ayon kay Prime Minister Narendra Modi, labis siyang nasaktan sa nasapit ng mga biktima at handa siyang magbigay ng 200,000 rupees o $2,400 na kompensasyon sa mga kamag-anak na naiwan ng mga nasawi.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.

About The Author