dzme1530.ph

30 guro sa BARMM, umatras sa pagsisilbi sa Eleksyon

Loading

Nasa 30 guro mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang umatras bilang mga miyembro ng Election Registration Board (ERB) para sa Halalan 2025.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nag-withdraw ang mga guro bilang poll wokers bunsod ng iba’t ibang dahilan, kabilang na ang umiiral na karamdaman at relasyon sa lokal na kandidato.

Bunsod nito, sinabi ni Garcia na gagamitin nila ang PNP Personnel bilang pamalit sa mga ERB na hindi makapagsisilbi sa eleksyon.

Noong Abril ay inihayag ng poll body na nag-request sila ng 4,000 police personnel para magsilbing ERB Members sa May 12 elections.

About The Author