dzme1530.ph

3 araw na tigil-pasada ng PISTON, nagsimula na!

Itinuloy ng transport group na PISTON ang kanilang tatlong araw na tigil-pasada simula ngayong Lunes bilang protesta sa PUV Modernization.

Una nang tinaya sa 100,000 units ang lalahok sa tatlong araw na transport holiday sa buong bansa.

Sa Miyerkules naman ay inaasahang magma-martsa patungong Mendiola ang mga operator at driver ng jeepney.

Ikinasa ang transport strike makaraang wala umanong narating ang ilang buwan na pakikipag-usap ng grupo sa gobyerno para isailalim na lamang sa rehabilitasyon ang mga jeep sa halip na puwersahin silang bumili ng mas mahal na modern jeepney. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author