dzme1530.ph

23 Tripolanteng Pinoy sakay ng barkong sinalakay ng Houthi rebels sa Red Sea, nasa ligtas na kalagayan

Nakikipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa International Maritime Authorities, shipping companies, at local manning agencies kasunod ng pag atake ng Houthi rebels sa barko kung saan sakay ang mga tripolanteng Pilipino habang naglalayag patawid sa Red Sea sa Golf of Aden.

Ayon sa DMW ligtas at walang nasaktan sa 23 tripulante Pinoy na sakay ng naturang barko habang inaatake ng mga rebeldeng Houthi Sabado, Mayo 18.

Dagdag pa ng DMW, nagtamo ng bahagyang pinsala ang barko habang ito ay naglalayag malapit sa Yemeni Port City ng Hodeida nang ito ay salakayin.

Sa ngayon ay nagpapatuloy sa paglalayag ang barko patungo sa sa mga lugar na may mataas na peligro papunta sa susunod na daungan.

About The Author