Magsisimula na ngayong araw, Sept 28, ang 7 hanggang 21-oras na water service interruptions sa ilang barangay sa Muntinlupa, Las Pinas, Paranaque, Pasay, Bacoor, Cavite City, Imus, Noveleta, at Rosario sa Cavite na tatagal hanggang sa lingo, October 1.
Ayon sa Maynilad, ito’y bunsod ng papalitang Ultrafiltration (UF) valves sa Putatan Water Treatment Plant sa lungsod ng Muntinlupa at iba pang maintenance activity sa lugar.
Mayroon naman anilang nakaabang na mobile water tankers na maaaring mag-deliver ng malinis na tubig sa nasa 258, 000 na apektadong customer.