dzme1530.ph

2 GMA contractors na sangkot sa pang-aabusong sekswal kay Sandro Muhlach, pinaiimbestigahan na ng Kamara

Pinaiimbestigahan na sa Kamara in aid of legislation ni Malasakit@Bayanihan party-list Rep. Anthony Rolando Golez Jr., ang sexual abuse ng 2 independent talent executives na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Sa House Resolution 1922 ni Golez, hiniling nito sa Committees on Justice, Creative Industry and Performing Arts, at legislative franchises na tingnan ang reklamo kina Nones at Cruz.

Una nito nagsampa ng reklamo sa otoridad ang aspiring actor na si Sandro Muhlach dahil sa umano’y pang-aabuso ng 2 talent executives ng GMA Network, na legislative franchise holder.

Ilang araw lang ang lumipas isa pang aspiring artist sa pangalang Gerald Santos ang lumantad at isiniwalat na siya man ay inabuso rin nina Cruz at Nones.

Sa salaysay ni Santos, inireklamo niya sa GMA ang ginawa sa kanya subalit hindi ito inaksyunan, sa halip pinagbawalan na siyang lumabas sa mga show ng network.

Para kay Golez isa itong seryosong isyu na dapat alamin para ganap na matuldukan.

About The Author