dzme1530.ph

2 Senior Citizen, ninakawan at pinatay sa Davao del Sur

Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng PNP Bansalan ang suspek na nanloob at pumatay sa mag-asawang Senior Citizen sa Brgy. Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur.

Ayon sa mga otoridad, alas-4 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng 66-anyos, na si Modesto Balili Gumapac, sa kama sa loob ng kanilang tahanan.
 
Habang sa labas ng bahay nakita ang katawan ni Lola Evelinda Galigao Gumapac, 60-anyos, na pinaniniwalaang ginahasa rin ng suspek matapos natagpuang nakahalandusay sa lupa ng walang saplot pang-ibaba.

Pagnanakaw ang pinaghihinalaang motibo sa krimen, sa dahilang kumita umano ng pera ang mag-asawa sa pagbebenta nito ng kopra.

Sa ngayon, patuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad sa suspek.

About The Author