dzme1530.ph

10 preso ng Malibay Police sub-station, nakatakas

Kinumpirma ng Malibay Police Sub-station na 10 mga preso ang hina-hunting na ng Pasay PNP matapos umanong makatakas kaninang madaling araw.

Nangyari ang insidente pasado alas kwatro ng madaling araw kung saan nilagari umano ang rehas ng tatlong tumakas saka sumunod naman tumakas ang pitong iba pang preso.

Kinilala ang mga nakatakas na sina:

  • Richard Dela Cruz
  • Carlo Magno Benavidez
  • Christian Salvatierra
  • Norman Deyta y Punzalan
  • Joey Hernandez y Gabriel
  • Eden Garcia y Rodriguez
  • Joseph Osorio y Canama, Pawang mga sangkot sa illegal drugs
  • Tirzo Galit y Navarro (Robbery)
  • John Michael Cabe y Medellin (Carnapping)
  • Joshua Panganiban (Robbery)

Isang pulis naman ang nagtamo ng minor injury matapos bugbugin ng mga presong tumakas, at naagaw din umano ang service firearm nito at wallet ng pulis.

Kasalukuyang nagsagawa na ng manhunt operation ang mga operatiba ng Sub-Station 6, Intelligence Unit, SDEU, IDMS at iba pang police Sub- Stations. – sa panulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author