Bumaba ang index crimes sa bansa sa unang quarter ng taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2022, batay sa datos na inilabas ng Department of the interior and Local Government.
Sa report ng PNP, sinabi ni DILG sec. Benhur Abalos na 7,865 index crimes ang naitala simula January 1 hanggang March 25, 2023, mas mababa sa 9,375 na na-irecord sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang index crimes ay kinabibilangan ng Murder, Homicide, Physical Injury, Rape, at Robbery, pati na Car Theft.