dzme1530.ph

1 Filipino police col., nasawi sa air collision ng 2 aircraft sa Washington D.C.

Isang miyembro ng Philippine National Police ang nasawi sa naganap na air collision ng isang eroplano at black hawk helicopter sa Washington D.C. kahapon.

Ayon kay PNP Public Information Office chief, Col. Randulf Tuaño, kasama si P/Col. Pergentino Malabed Jr. sa mahigit 60 pasahero ng American Airlines.

Si Malabed kasama ang isang PNCO at isang NUP ay nagpunta sa Amerika upang suriin ang mahigit 2,000 vest mula sa India.

Sa ngayon, naipalam na sa mga kaanak ni Col. Malabed Jr. ang insidente. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author