dzme1530.ph

₱1.7-BILYONG SMUGGLED SIGARILYO, NASABAT SA JOINT OPERATION NG MGA AHENSIYA NG GOBYERNO

Loading

Nagpasalamat si BOC Deputy Chief of Staff Atty. Chris Noel Bendijo sa matagumpay na pagtutulungan ng BOC, NBI, BIR at iba pang law enforcement agencies matapos masabat ang mahigit ₱1.7 bilyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa North Harbor, Tondo, Maynila.
 
Sa operasyon, nasabat ang 23 container vans na may lamang tinatayang 29,900 kahon ng iligal na sigarilyo na pinaniniwalaang nagmula sa China at United Arab Emirates. Ayon kay Bendijo, patunay ito ng matibay na koordinasyon ng mga ahensiya laban sa smuggling at economic sabotage.
 
Bukod sa paglabag sa batas, malaking kawalan ito sa kita ng pamahalaan dahil sa hindi nababayarang buwis at excise tax, habang naaapektuhan din ang mga lehitimong negosyo. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad, kabilang ang pagtugis sa isang container truck na hinihinalang nakalusot at may dalang bahagi ng kontrabando.

About The Author