dzme1530.ph

FRANCISCO, BALIK NA SA TYPHOON LEVEL

Loading

Humina na ang Super Typhoon Francisco habang nasa silangan ng Babuyan Islands.
 
Mula sa pagiging super typhoon, bumaba na ito sa typhoon level na huling namataan ang sentro 375 kilometers silangan-hilagang silangan ng Aparri, Cagayan o 380 kilometers silangan ng Calayan, Cagayan.
 
Tumatahak ang Typhoon Francisco pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometer per hour.
 
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 175 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot hanggang 215 kilometer per hour.
 
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, hilagang-silangang bahagi ng Cagayan kabilang ang Gonzaga at Santa Ana, gayundin ang silangang bahagi ng Babuyan Islands.
 
Kung hindi magbabago ng direksyon, inaasahan ang bagyo mamayang gabi sa 345 kilometers silangan ng Calayan, Cagayan at bukas ng umaga sa 275 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

About The Author