DZME1530

Yassi Pressman, kinumpirma ang relasyon ni James Reid at kapatid na si Issa Pressman

Nagsalita na si Yassi Pressman tungkol sa relasyon ng kanyang kapatid na si Issa kay James Reid.

Sinabi ni Yassi na hindi isyu ang pagiging magkasintahan nina James at Issa, sa pagiging magkaibigan nila ni Nadine Lustre.

Ipinahiwatig din ni Yassi na alam na ni Nadine ang tungkol sa relasyon ng ex-boyfriend kay Issa at wala naman aniyang problema dahil naasikaso na nila ito ng pribado.

Binigyang diin din ng aktres na mahigit tatlong taon nang hiwalay sina Nadine at James at pare-pareho na silang may kanya-kanyang buhay.

Una nang inakusahan si Issa na sanhi ng paghihiwalay nina James at Nadine noong January 2020, subalit kapwa pinabulaanan ito noon nina Yassi at Nadine

About The Author