dzme1530.ph

Ilang grupo ng mangagawa, nag protesta vs. France government

Nagkasa ng kilos-protesta ang ilang grupo ng mangagawa laban sa plano ni France President Emmanuel Macron na itaas sa 64 ang retirement age.

Kaugnay nito, hinarang ng mga grupo ang ilang kalsada sa lugar maging ang daan patungo sa Terminal 1 sa Charles De Gaulle Airport sa Paris na nagresulta sa pagkansela ng 30% ng mga flights.

Dahil dito, napilitan ang mga otoridad na magpaputok ng tear gas at manlaban sa mga nagkikilos-protesta.

Samantala, sinabi ni Interior Minister Gerald Darmanin na aabot sa 123 tauhan ng pulisya ang nasugatan sa naturang protesta.

About The Author