Ibinalik bilang tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si Winston Casio.
Sinabi ni Casio na balik na sa normal ang lahat, matapos maayos ang problema sa pagitan niya at ng complainant.
Idinagdag ng Director in Charge for Media and Public Relations, na walang civil damages at ang kasunduan ay humingi siya ng tawad sa complainant sa harap ng publiko, sa Korte, at sa open session.
Nobyembre ng nakaraang taon nang ianunsyo ng Office of the Executive Secretary na sinibak si Casio bilang PAOCC spokesperson bunsod ng napaulat na pag-maltrato sa isang Pilipino sa isang raid sa Bataan.
Inamin ng PAOCC official na sumailalim siya sa anger management sessions, gayundin sa gamutan, matapos masuspinde dahil sa pananampal sa empleyado.