dzme1530.ph

Wesley Guo, balak na ring sumuko matapos maaresto si Alice Guo

Balak na ring sumuko ng isa pang kapatid ni dismissed Mayor Alice Guo na si Wesley Guo.

Ito ang kinumpirma ng kanyang abogadong si Atty. Stephen David makaraan niya itong makausap kahapon sa pamamagitan ng telepono.

Sinabi ni David na nakikipag-usap na rin sila sa ilang mga ahensya ng gobyerno para sa posibilidad ng pagsuko ni Wesley.

Gayunman, tumanggi na ang abogado na idetalye pa ang kanilang aksyon kasabay ng pahayag na sa ngayon ay hindi niya rin alam ang kinaroroonan ni Wesley.

Samantala, kinumpirma ni Sen. Raffy Tulfo na inaasahang darating sa bansa mula Jakarta, Indonesia si Alice Guo mamayang alas- 6:18 ng gabi.

Lulan aniya ang sinibak na alkalde ng chartered flight RP-C618k Kasama sina DILG Sec. Benhur Abalos at PNP Chief PGen. Rommel Marbil. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author