dzme1530.ph

Water concessionaires, hinimok na pagandahin ang serbisyo sa publiko

Hiniling ni Senador Christopher “Bong” Go sa mga water service providers na mas pagandahin ang kanilang serbisyo sa mga consumers ngayong panahon ng tag-init.

Ito ay bunsod ng madalas na water interruption sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila ngayong panahon ng summer.

Ipinaalala ng senador na ipinaubaya sa mga pribadong kumpanya ang serbisyo ng tubig upang mas mapaganda ang serbisyong maibibigay sa mga consumer.

Iginiit ni Go na dahil pribadong kumpanya ang namamahala sa water services, dapat na gawin nito ang lahat ng paraan upang maibigay ng best service sa publiko.

Pangunahin anyang prayoridad ng mga water service providers ay ang tiyaking hindi mawawalan ng suplay ng tubig ang bawat bahay sa Metro Manila dahil mahalaga ito sa pang-araw araw na buhay. —sa ulat ni Dang Garcia

About The Author